PUIs at PUMs sa Davao Region, nadadagdagan araw-araw
By Nitz Escarpe - March 27, 2020 , 11:46 pm

Sa datos ng Facebook page ng Department of Health (DOH) Davao Region, ipinakita na lalong dumami ngayon ang bilang ng patients under investigation ( PUIs) at patients under monitoring (PUMs) kung ikumpara sa na-record nito kahapon, Huwebes, March 26, 2020 at sa mga nakaraang araw.

Base sa obserbasyon, bawat araw ay may nadadagdag na mahigit sampung PUIs, pero mahigit sampu naman dito ang na-discharge. Mahigit isang libo naman ang bilang ng mga PUMs, pero mahigit isang libo rin ang cleared bawat araw.

Nanatiling nasa anim pa rin ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Davao Region at isa pa rin ang na-discharge habang lalong umakyat naman ang bilang ng mga PUIs sa bilang na 176 mula sa 158 . 78 naman ang admitted at 88 ang na-discharge. Habang ang PUMs ay umakyat na sa 13, 825 mula sa 12, 316 At 6, 448 ang cleared at 7,376 ang under observation.

Ang nadagdag na bilang ng mga PUIs at PUMs ay na-record ng Department of Heath (DOH) Davao Region hanggang ika-9 ng umaga nitong araw ng Biyernes March 27, 2020. Mas mataas ito kay sa mga nakaraang araw.

YOU MIGHT ALSO LIKE