Recovery rate ng COVID-19 cases sa Davao City, nasa 89% na
By Maymay Benedicto - February 25, 2021 , 6:08 pm

Aabot na sa 89 percent ang recovery rate ng COVID-19 cases sa Davao City, batay sa report ng City Health Office.

Ayon kay Davao City Health Officer at Covid 19 Task Force Focal Person Dr. Ashley Lopez, nasa mahigit 11,000 naitalang recoveries sa lungsod mula sa kabuuang bilang ng kaso na mahigit 12,800, mula nang nagsimula ang pandemya

Ayon kay Lopez, target ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod na lagpasan ang 93.1 percent na recovery rate sa buong bansa, at kung makamit nito ang naturang target magiging malaking accomplishment ito ng Davao City

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan nasa mahigit 700 na lang ang bilang ng active cases dito, mula sa mahigit 1,500 na active cases noong nakaraang linggo.

Ayong kay Lopez, pinagsisikapan ngayon ng lungsod na mas mapababa pa ito sa pamamagitan ng tulong di lang ng mga health worker, kung hindi pati na ng mga mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa heatlh protocols.

Samantala, binawasan na ng lokal na pamahalaan ang bilang ng Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa lungsod, dahil sa bumaba ang occupancy rate na nasa 19 to 23 percent na lang dulot ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE