!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Rice processing complex, binuksan sa Sto. Tomas, Davao del Norte
By Armando Fenequito | RP1 Davao - October 10, 2019 , 11:19 am

Binuksan ang isang rice processing complex sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte na naglalayon na i-modernize ang pagsasaka ng palay na makakatulong sa pag-angat ng buhay ng mga magsasaka sa naturang bayan.

Inihayag ni Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista na ito ang tugon ng kanyang pamahalaan sa mga magsasaka ng palay na apektado sa implementasyon ng Republic Act No. 11203 the Rice Tariffication Law (RTL).

Hinimok ni Evangelista ang mga magsasaka na gamitin ang naturang pasilidad na nagkakahalaga ng higit P5.9 million, para mabawasan ang gastusin nito sa produksyon ng bigas.

Pamamahalaan ng kooperatibang Gravity Irrigators Service Association, Inc., ang naturang pasilidad dahil sila ang naging katulong ng bayan sa pagmodernisa  ng rice mill industry sa lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE