Sarangani Province, nakatakdang maglaan ng initial na ₱200-M para makabili ng bakuna vs COVID-19
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - January 14, 2021 , 11:27 am

Nakatakdang maglaan ng ₱200-million ang Probinsya ng Sarangani para makabili ng initial na bakuna kontra COVID-19. Ayon kay Assistant Provincial Administrator Engr. Gerald Faciol, ito ang napag-usapan sa pulong kasama ang Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 (PIATF).

Ayon kay Faciol, isa sa itinanong sa pulong ay kung kaya bang bilhin ng lalawigan sa nabanggit na pondo ang kinakailangang bilang ng bakuna na may tig-dalawang doses. Kaya iminungkahi aniya sa pulong na ang ilalaang unang pondo ay dadagdagan lamang kung kukulangin.

Ang mga bayan ng Sarangani ang may inilaang pondong pambili ng bakuna. Pero pinaghahandaan din ng Sarangani ang posibleng paglapit ng mga katabing probinsiya sakaling kukulangin din sila ng pondong pambili ng bakuna kontra COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE