!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sec. Piñol, hinimok ang mga ahensya ng pamahalaan na tulungan ang BARMM 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - October 8, 2019 , 1:04 pm

Hinimok ngayon ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairman Manny Piñol ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tulungan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagsisimula ng kanilang gobyerno.

Inihayag ni Piñol na dapat bigyan ng technical assistance ang mga namamahala ngayon sa BARMM para mabigyan ng tamang kaalaman sa larangan ng management, administration, at procurement process.

Sabi ni Pinol na handa ang kanyang opisina na magsagawa ng isang leadership and management workshop sa mga bagong opisyal ng BARMM.

Ayon kay Piñol, ang tulong-teknikal ay magpapabilis sa paglago ng BARMM na magiging daan para makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

YOU MIGHT ALSO LIKE