!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Seguridad sa Davao, hinigpitan sa pagdating ng Presidente ng Singapore
By Sheila Lisondra - September 9, 2019 , 9:57 am

Okupado ngayon ang kapulisan sa Davao City Police Office (DCPO) sa nakatakdang pagbisita ni Singaporean President Halimah Yacob sa Davao City.

Kahapon isinagawa ang send-off ceremony sa isang libong security personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinangunahan ni Police Colonel Eden Ugali, deputy regional director for operation ng Police Regional Office XI.

Nakatakdang dumating ang opisyal sa lungsod bukas kung saan isa sa bibisitahin nito ay ang Philippine Eagle sa Malagos.

Bahagi din sa pakay ng pagbisita ng Pangulo ng Singapore  ang selebrasyon para sa ika-50 taon na pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon kay Pol. Col. Eleseo Caburnay, officer in charge ng DCPO, mahalaga ang pagbisita ng nasabing opisyal upang maipakita ang ipinagmamalaki ng lungsod na isa sa safest cities sa Asya.

Malaking tulong rin umano ito para sa potensiyal na pagpasok ng mga investors.

YOU MIGHT ALSO LIKE