!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Singaporean President Yacob, maglilibot sa Davao City ngayong araw 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - September 11, 2019 , 7:00 am

Maglilibot ngayong araw sa Davao City si Singaporean President Halimah Yacob bilang bahagi ng kanyang State visit sa bansa.

Sa naging mensahe ni Yacob sa isinagawang welcome dinner na inihanda ng City government kagabi, pupuntahan niya ang Philippine Eagle Center sa Barangay Malagos para tignan ang biodiversity conservation program nito.

Ayon sa naturang lider bahagi ng kanyang pagbisita sa center ang nakapaloob sa isinagawang Breeding Loan Agreement kung saan ipinadala sa Singapore ang dalawang Agila na sina Geothermica at Sambisig noong Hunyo para paramihin ang lahi nito.

Pagkatapos naman sa Philippine Eagle Center ay didiretso ito sa Ateneo de Davao University para sa isang dayalogo na inorganisa ng Al Qalam Institute para sa mga kabataan ng Mindanao.

Matapos ang welcome dinner party kagabi, naglibot si Yacob sa Aldevinco Shopping Center kung saan bumili ito ng mga accessories.

Lilipad din agad ito pagkatapos ng kanyang aktibidad.

Nagpasalamat naman si Mayor Sara Duterte sa pagpili sa lungsod para maging parte ng State Visit nito sa Pilipinas.

Umaasa ang alkalde na sa ika-50 taon ng diplomatic ties ng dalawang bansa, nawa’y tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan nito tungo sa pag-unlad.

YOU MIGHT ALSO LIKE