Siyam na pulis sa Jolo shooting incident, nagtatago dahil sa takot para sa kanilang buhay
By Leo Sarne - February 23, 2021 , 7:20 am

Natatakot para sa kanilang kaligtasan ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay ng apat na sundalo noong Hunyo ng nakaraang taon sa tinaguriang Jolo shooting incident.

Ito ayon kay Philippine National Police Chief PGen. Debold Sinas ang dahilan kung bakit ayaw ng mga itong sumuko sa kabila ng pagtiyak ng PNP sa kanilang kaligtasan sa kustodiya ng Camp Crame kung susuko sila.

Sinabi ni Sinas na patuloy ang pakikipag-usap ng PNP sa mga naturang pulis para himuking sumuko, kasabay ng pagsasagawa ng manhunt para sa mga ito na pinaniniwalaang nagtatago sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Sinas binigyan narin nila ng kopya ng arrest warrant ang Philippine Army para makatulong din ang militar sa pagtugis sa mga nagtatagong pulis.

Magugunitang pinalaya ng PNP ang mga naturang mga pulis mula sa kustodiya ng Camp Crame, matapos silang ma-dismiss sa serbisyo.

Paliwanag ng PNP, bilang mga sibilyan ay wala nang hawak sa kanila ang PNP at wala pang kautusan mula sa korte noong panahong iyon na patuloy silang i-“hold”.

YOU MIGHT ALSO LIKE