Tourism at accomodation sites, bukas ngayong “Araw ng Davao” pero leisure activities bawal pa rin
By Armando Fenequito - February 25, 2021 , 9:58 am

Bukas umano ang mga tourism sites at accommodation establishments sa Davao City ngayong papalapit na ang “Araw ng Davao” celebration ngayong Marso 1 hanggang 3.

Ito ang inihayag ni Davao City Tourism and Operations Office head Generose Tecson sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing kahapon.

Ayon kay Tecson na pinaalalahanan na ang mga atraksyon na madalas binibisita sa lungsod na kinakailangan nilang sumunod sa protocols mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa pamamagitan ng pagkuha ng Certificate of Authority to Operate mula sa Department of Tourism.

Pero nilinaw nito, kahit bukas pa ang naturang mga tourism sites gaya ng Crocodile Park, ipinagbabawal pa rin ang leisure activities dahil nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang buong mundo.

Dagdag naman ni Tecson na lahat ng aktibidad ng Araw ng Davao ngayong taon ay pre-recorded na at ipapalabas ito sa mga online platforms ng pamahalaang lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE