Tricycle drivers, market vendors, at iba pang mangagawa na kada araw lumalabas sa Davao del Norte, kabilang sa prayoridad na mabakunahan
By Armando Fenequito - February 25, 2021 , 9:56 am

Isinali ng pamahalaang panlalawigan ng Davao del Norte ang mga tricycle drivers, market vendors, office workers at iba pang manggagawa sa top priority list kasabay ng mga medical frontliners para sa unang roll-out ng COVID-19 vaccination program.

Sa panayam kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib, sinabi nito na ginawa nitong isali ang mga nasabing sektor na dapat na mauna na maturukan ng bakuna dahil mas vulnerable ang mga ito na makakuha ng COVID-19 dala ng kanilang paghahanap buhay.

Ayon sa gobernador na naglaan na ang lalawigan ng P15 million para sa unang batch ng bakuna na bibilhin.

Pero maliban sa bibilhin ng probinsya, bibili rin umano ang bawat bayan at lungsod sa kanilang lalawigan para ibigay sa kani-kanilang kababayan.

Dagdag ni Jubahib na patuloy ang kanilang mga pulong kasama ang kanilang Provincial Task Force on COVID-19 para sa brand ng bakuna na kanilang bibilhin.

đŸ“¸ONE DAVNOR NETWORK

YOU MIGHT ALSO LIKE