Tulong sa agri-fisheries sector na sinalanta ni bagyong Maring, tiniyak na ng DA
By Rey Ferrer - October 14, 2021 , 9:58 am

 
Tuloy tuloy na ang assessment at validation na ginagawa ng Department of Agriculture sa pinsalang idinulot ni bagyong Maring sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, isusunod na ng DA ang pamamahagi ng tulong sa agri-fisheries sector para makabawi sa malaking pagkalugi.

Sinabi ng kalihim na may nakalaan nang Php172 million Quick Response Fund ang ahensiya para sa rehabilitasyon ng mga affected areas.

Bukod pa rito ang mga ipapamigay na binhi ng palay, mais at mga gulay at iba pang intervention na inihanda ng DA.

Base sa huling ulat, pumalo na sa Php 608.50 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng bagyo.

Nasa 29,063 magsasaka at mangingisda at 32,882 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan.

YOU MIGHT ALSO LIKE