Virtual graduation, inilunsad ng DepEd
By Merry Ann Bastasa - May 28, 2020 , 3:45 pm

Nakipag-partner ang Department of Education (DepEd) sa technology company na Microsoft Philippines para maidaos ang virtual graduation ceremonies sa ilang paaralan sa bansa.

Tinawag na #Hello2020Graduates ang programa na layong magbigay ng graduation experience sa mga estudyanteng nagsipagtapos ngayong taon ngunit hindi nakamartsa dahil sa COVID pandemic.

Sa ilalim ng programa, kayang magdaos ng isang virtual graduation gamit ang live event feature ng microsoft na maaaring mapanood ng aabot sa 10,000 users.  Nakasunod rin sa DepEd manual ang programa na mayroong standard graduation flow gaya ng pagmamartsa ng mga estudyante, pagbibigay ng talumpati ng mga honor graduates, at special address mula sa DepEd at school administrator.

Bukas sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa 17 rehiyon sa bansa ang programa na una nang ginamit sa Davao Region noong May 13.

Sa tala ng DepEd Davao, aabot na sa 1,462 na estudyante mula sa walong paaralan ang nakaranas ng “graduation in a box”.

Binigyang-diin naman ni DepEd Undersecretary Alain Pascua, na patunay ito na kaya pa ring maipagdiwang ng ligtas ang pagtatapos ng mga estudyante sa kabila ng uemiiral na health crisis.

YOU MIGHT ALSO LIKE