34th Kadayawan Festival: Life is Here, ipinagdiriwang ngayong buwan ng Agosto
By Mary Rose Rocero - August 13, 2019 , 10:00 am

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Agosto ang Kadayawan Festival bilang pasasalamat mula sa mga natatamong kasaganaan ng lungsod ng Davao mula sa kalikasan at yaman ng kultura.

Ipinangalan ang pagdiriwang na ito mula pagbati na “madayaw” na salitang Dabawenyo na “dayaw” na ang ibig sabihin ay maganda, nakatataas at mabuti.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ito na may temang “Life is here” na kung saan ay isa ito sa ipinagmamalaki sa lungsod na may pinaka-magarbo at sikat na pagdiriwang sa lugar.

Noong sinaunang panahon, pumupunta ang mga Dabawenyo sa paanan ng Mount Apo upang magpasalamat sa kanilang “Manama” o ang kataas-taasan at “Bulan” o diyos ng buwan.

Bilang pasasalamat, nag-aalay sila ng mga prutas, gulay at bigas tuwing gabi ng kabilugan ng buwan na pinaniniwalaang kung kailan dumating ang diwata sa mundo.

Pinangalanan nila ng buwan bilang si “dayaw” o “kadayaw.”

Hindi rin mawawala sa kasiyahan ang pagkakaroon ng mga makukulay na floats, maiingay na stree-dancing competitions at magagandang exhibits na itinatampok ang orihinal na kultura at kasaysayan ng lungsod.

Narito ang ilang mga aktibidad na inihanda sa pagdiirwang ng Kadayawan Festival:

August 2-25
– Kadayawan Sa Davao 3D Light Show

August 15
– Museo Dabawenyo Re-opening Ceremony

August 16
– Dula Kadayawan
– Sayaw Kadayawan

August 16-18, 23-25
– Tabuan sa Kadayawan

August 17
– Indak-Indak sa Kadayawan

August 17-18
– Bantawan Cultural Presentation

August 21-25
– Kadayawan Farmer’s Market

August 23
– Tunog Kadayawan

August 24
– Pamulak sa Kadayawan
– Pitik Kadayawan
– Tambayayong Kadayawan

YOU MIGHT ALSO LIKE