!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Harry Potter theme park, bubuksan na sa Tokyo
By Mary Rose Rocero - February 17, 2020 , 10:56 am

Mapalibro man o pelikula, marami ang na-antig sa Harry Potter.

Sa katunayan, mapahanggang sa ngayon ay may nanunuod at nagbabasa parin nito kahit pa tapos na ang serye nito.

Marami ang nahumaling at nabighani sa kwento nito na kung saan ay may halong mahika.

Hinati ang kwento nito sa pito:

1. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone (2001)
2. Harry Potter and the Chamber of Secrets (2002)
3. Harry Potter and the Prisoner of Azkaban (2004)
4. Harry Potter and the Goblet of Fire (2005)
5. Harry Potter and the Order of the Phoenix (2007)
6. Harry Potter and the Half-Blood Prince (2009)
7. Harry Potter and the Deathly Hallows (2010/2011)

Dito na rin nasubaybayan ang pagsikat at paglaki ng ilang mga kilalang karakter nito tulad ni Daniel Radcliffe (Harry Potter), Emma Watson (Hermione Granger) at Rupert Grint (Ron Weasley).

Good news naman para sa mga tagahanga ng nasabing pelikula dahil magbubukas na ang isang theme park sa Tokyo, Japan na ibinase dito.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na anu mang detalye kaugnay dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE