!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Isang pasyalan sa Pangasinan, hango sa isang sikat na pelikula
By Mary Rose Rocero - February 17, 2020 , 11:23 am

Isang pasyalan sa Pangasinan, hango sa isang sikat na pelikula

Napanuod niyo na ba ang pelikulang “Lord of the Rings”?

Kung oo, aba’y magiging pamilyar sa inyo ang isang pasyalan sa Pangasinan.

Mula sa inspirasyon ng nasabing pelikula ay nabuo at naitayo ang “Hobbit Farmville” na bagong pasyalan sa lugar.

Matatagpuan ito sa Barangay Lipit Tomeeng, San Fabian, Pangasinan.

Hango ito sa “shire” o ang tawag sa tirahan ng mga “hobbits” sa pelikula.

YOU MIGHT ALSO LIKE