!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Matteo Guidicelli, ganap nang PH Army 2nd lieutenant
By Hazel Joy Morada - August 21, 2019 , 11:48 am

Umakyat na sa second lieutenant ang ranggo ng aktor na si Matteo Guidicelli sa pagsali nito sa Philippine Army.

Ito ay matapos na aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang commissionship ng aktor noong August 7.

Ayon sa Philippine Army, binigyang-pagkilala si Guidicelli dahil sa paggamit nito ng kanyang impluwensya para isulong ang kapayapaan at ibahagi ang pagiging makabayan sa mga kabataan partikular sa mga taga-Mindanao.

Matteo Guidicelli receives lieutenant rank FORT BONIFACIO, Metro Manila – The Army Commanding General, Lt. Gen….

Posted by Philippine Army on Tuesday, August 20, 2019

 

Mismong ang kasintahan ng aktor na si Sarah Geronimo ang naglagay sa kanya ng pin insignia sa ginanap na donning of rank ceremony nitong Martes sa Fort Bonifacio.

Bukod sa Kapamilya singer-actress, dumalo rin nasabing event ang pamilya ni Matteo.

Matatandaang Abril ngayong taon nang pumasok si Matteo sa 30-day training ng Philippine Army.

YOU MIGHT ALSO LIKE