!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Metro Manila Summer Film Festival entries, isasapubliko na
By Hazel Joy Morada - February 17, 2020 , 1:38 pm

Nakatakdang ianunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority sa darating na March 2 ang official entries sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival o MMFF.

Ito’y matapos ang deadline ng pasahan ng entries nitong Sabado, February 15.

Ayon sa MMDA, pipiliin ang walong official entries base sa mga criteria – artistic excellence, 40%; commercial appeal, 40%; Filipino cultural sensibility, 10%; at global appeal, 10%.

Ipalalabas ang walong napiliping pelikula sa sa April 11, Black Saturday, hanggang April 21.

Magkakaroon din ng Parade of Stars ang summer film festival sa darating na April 5 na may rutang Welcome Rotonda sa Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

Samantala, tumatanggap pa rin ang MMDA ng entries mula sa mga estudyante hanggang February 28 para naman sa MMSFF’s Student Short Film Competition.

YOU MIGHT ALSO LIKE