!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
National Teachers’ Month, ginugunita tuwing buwan ng Setyembre
By Mary Rose Rocero - September 10, 2019 , 9:30 am

National Teachers’ Month, ginugunita tuwing buwan ng Setyembre

Bilang pagpupugay sa mga guro, ipinadiriwang ang month long celebration ng National Teachers’ Day ngayong Setyembre.

Nagsimula ang pagdiriwang ng National Teachers’ Month noong September 5 at magtatapos sa October 5 bilang World Teachers’ Day alinsunod sa Presidential Proclamation No. 242.

Mula sa pangunguna ng Department of Education (DepEd), kasama ang National Teachers’ Day Coordination Council (NTDCC), ipinagdiriwang ito taun-taon.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ito na may temang “Gurong Pilipino: Handa sa Makabagong Pagbabago” na kung saan ay binibigyan ng pagkilala ang papel ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal.

Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-pugay ang mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at pagtulong sa paghubog sa pagpapabuti ng pandaigdigang lipunan.

Bilang pasasalamat sa mga magigiting na guro, naghanda ang ilang establisimiyento ng munting regalo.

Magkakaroon ang PHLPOST ng “Salamat Po Teacher” letter writing raffle promo na bukas sa mga nagnanais lumahok mula Kindergarten to Grade 12.

Magsisimula ang paligsahan mula ngayong Setyembre hanggang Marso sa susunod na taon.

Mayroon namang discount ang BenCab Museum ang mga guro na nagkakahalaga ng P100 hanggang October 5 ngayong taon.

Magbibigay din ng Teacher’s Treat promo ang Enchanted Kindom: P700 Park and AGILA ticket, free EK souvenir, free skill game coupons na maaaring makuha hanggang October 6 ngayong taon.

Libre naman ang entrance ng mga guro sa Museo Pambata na may kasamang 2 tao, makakatanggap pa ng regalo at 5% discount sa kanilang gift shop.

Libre rin ang entrance ng mga guro sa Manila International Book Fair mula sa September 11 hanggang 15.

Sa buwan na ito, ipamamalas ng mga magulang, estudyante at mga kasapi ng komunidad ang kanilang pasasalamat sa mga kontribusyon ng mga guro sa kani-kanilang buhay.

YOU MIGHT ALSO LIKE