Pasaka Festival, ipinagdiriwang sa Leyte tuwing ika-14 ng Agosto
By Mary Rose Rocero - August 14, 2019 , 10:00 am

Ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Agosto ang Pasaka Festival sa Tanauan, Leyte bilang pagbibigay galang na rin sa Patroness nito na si Our Lady of Assumption.

Mula sa lengguwahe ng Waray-Waray na Waraynon, ang salitang “pasaka” ay nangangahulugang pag-unlad o progreso na itinatampok ang kasaysayan at mga pamana ng mga ninuno sa lugar.

Nakuha ang pangalan na “Tanauan” mula sa isang puno ng Molave na nagsisilbing tore na ginagamit bilang pang-dungaw na tinawag din na “Tan-awan” o “Taran-awan.”

Isa ang Tanauan sa pinaka-matandang bayan sa Leyte na sinasabing natagpuan pa noong taong 1710.

Nais bigyang-kahulugan ng pagdiriwang na ito bilang prosesyon sa pagbibigay ng panibagong basbas sa mga magpapatuloy ng tradisyon na ito ng bagong henerasyon.

Sa pagdiriwang na ito ay naipapakita pa rin ang pagiging matatag ng mga mamamayan sa bayan ng Tanauan.

Tampok dito ang kanilang ipinagmamalaki na paghahabi ng banig, paggawa ng palayok, pagsasaka at pangingisda na mga pangunahing hanapbuhay sa lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE