!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ryan Cayabyab, tumanggap ng Ramon Magsaysay Award
By Hazel Joy Morada - September 10, 2019 , 9:31 am

Kinilala bilang Ramon Magsaysay awardee ang tinaguriang “Maestro” ng musikang Pilipino na si Ryan Cayabyab.

Sa kanyang acceptance speech, ikinwento ng 65-anyos na kompositor na itinuturing niyang “calling” ang musika.

Kahit aniya noong nagsisimula pa lamang siya bilang isang guro sa University of the Philippines-College of Music sa Diliman, alam na niyang ang pagtuturo ng musika ang gusto niyang gawin habambuhay.

Kilala si Maestro bilang isa mga tagapagtaguyod ng orihinal na musikang Filipino, gayundin sa pagdiskubre ng mga bagong talento.

Tanyag rin si Cayabyab bilang isang de-kalibreng music mentor sa mga kabataang mahilig sa pagkanta.

Ilan sa mga sikat na kanta na ginawa ni Maestro ay ang “Kay Ganda ng ating Musika,” “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka,” “Nais Ko” at iba pa.

Ginanap ang 2019 Ramon Magsaysay Award sa Cultural Center of the Philippines nitong Lunes, September 9.

YOU MIGHT ALSO LIKE