!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
The Month of Planet Earth, ginugunita tuwing Abril
By Mary Rose Rocero - April 1, 2020 , 8:05 am

Utang nating mga tao ang mga bagay na ating nakukuha mula sa ating kapaligiran.

Kailangang-kailangan ngayon sa Pilipinas ang pagpapaigting sa pangangalaga ng kalikasan dahil sa tumitinding epekto ng climate change.

Alinsunod sa Proclamation No. 1482 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2008, sinimulang gunitain ng Pilipinas ang “Month of Planet Earth” tuwing buwan ng Abril.

Nakiki-isa ang Pilipinas sa pakikipaglaban at pagbibigay suporta upang mapangalagaan, hindi lamang ang kapaligiran, maging ang buong mundo.

Pinapangunahan ito ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pamamagitan ng paglunsad ng iba’t ibang aktibidad na mayroong malaking ambag sa ikabubuti ng ating mundo.

Sa mga simpleng talakayan, ilan sa atin ay nagtatanong kung paano nga ba nabuo ang ating mundo at ang mga kontinente nito?

Ikatlo ang planetang Earth na nakapwesto malapit sa araw kung at tanging planeta na nakakapagbigay buhay.

Bukod sa kasalukuyang pangalan nitong “Earth”, ilan sa mga alternatibong pangalan nito ay Terra, Tellus, Gaia, Gaea at World.

Pinapakahulugan ng pangalan ng mundo sa pagkakaroon nito ng lupa at kakayahang makapagbigay ng buhay sa tao, halaman at hayop.

Tinatayang aabot na sa 405 billion years and edad ng ating mundo.

Malaki ang sakop ng tubig sa Earth na aabot sa 71%, habang 29% naman ang sa lupa.

Sa tagal ng pagkabuhay ng ating mundo, marapat lamang na bigyan ng pagpapahalaga ang pananatiling maganda at masagana nito upang mas tumagal pa ito ng ilang bilyong taon.

Kung ang bawat isa sa atin ay isinasa-isip at isinasagawa ang pagpapahalagang ito, malaki ang mai-aambag nito sa ating mundo.

YOU MIGHT ALSO LIKE