Anu-ano nga ba ang mga dapat gawin kapag nakararanas ng allergies?
By Mary Rose Rocero - July 8, 2020 , 3:48 pm

Bawat tao ay nakararanas ng iba’t ibang klaseng reaksyon sa mga bagay na ating nahahawakan.

Tinatawag na “allergy” o pamamantal ng balat kapag napahiran o nakahawak ang isang tao ng mga bagay na maaaring mairita ang ating katawan.

Iba’t iba ang sintomas na maaaring maranasan ng taong mayroong allergy.

Maaaring makuha ito sa pagkain, mga gamit sa bahay, halaman, hangin, usok, at marami pang iba.

Ang mga kadalasang sintomas ng allergy ay ang mga sumusunod:

1. Asthma – Hirap sa paghinga

2. Rhinits – Labis na pagbahing, pagbara at pangangati ng ilong

3. Conjunctivitis – Pangangati, pagluluha o pamumula ng mga mata

4. Pagtatae – Pagsusuka o pananakit ng tiyan

Paano nga ba maiiwasan ang allergies?

Kung ikaw ay nakararanas na ng allergies, mas maiging iwasan na ang mga bagay o pagkain na maaaring magdulot sa iyo ng pagbalik ng sakit na ito.

Dahil na rin sa polusyon, dapat maging handa at magdala palagi ng disinfectant upang maiwasan ang pagpasok ng anumang mikrobyo sa ating katawan.

Huwag din kalimutang komunsulta sa mga doktor upang makatanggap ng tamang rekomendasyon medikal.

YOU MIGHT ALSO LIKE