National Deworming Month, ginugunita tuwiing buwan ng Hulyo
By Mary Rose Rocero - July 7, 2020 , 10:00 am

Likas na sa mga kabataan ang pagiging malikot nito sa kakalaro.

Sa murang edad, puno ang isipan ng bawat bata sa kung ano ang ibig sabihin ng bawat bagay sa mundo.

Mula sa mga bata na may edad lima pataas, dito na nagsisimulang malikot ang bawat kilos nito mula sa paggapang, paglalakad, paghawak ng anumang bagay, at maging ang pagsubo nito.

Isa ito sa mga ikinababahala ng bawat magulang sa kanilang anak.

Hindi natin alam kung anong klaseng mikrobyo ang maaaring makuha ng bata mula sa mga bagay na hinahawakan nito kung hindi mahugasan kaagad.

At kapag tuluyang dumapo sa bibig ng mga bata ang kanilang maduming kamay, maaaring magdulot ito ng pagkakaroon ng sakit tulad na lamang ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan.

Ikinababahala ito ng ilang eksperto dahil kapag hindi agad naagapan, maaaring makarating pa ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Paano malalaman kung ang isang tao ay mayroong bulate sa tiyan?

1. Pagsakit ng tiyan
2. Pagsusuka
3. Pagtatae
4. Pagkakaroon ng dugo sa dumi

Narito ang ilan sa maaring epekto ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan:

1. Malnutrisyon
2. Anemia
3. Panghihina
4. Pagbara ng bituka
5. Meningitis (kapag napunta ang bulate sa utak)
6. Pulmonya (kapag napunta ang bulate sa baga)

Isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan ang palagiang paglilinis ng katawan, lalo na ng ating mga kamay.

YOU MIGHT ALSO LIKE