International Left-Hander’s Day, ginugunita tuwing ika-13 ng Agosto
By Mary Rose Rocero - August 13, 2019 , 10:30 am

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto ang pagiging left-handed ng isang tao o “International Lesft-Hander’s Day.”

Ginugunita ito bilang magbigay pugay, respeto at alamin ang mga pnagdadaanan ng mga taong left-handed sa buong mundo.

Paano nagiging kaliwete ang isang tao?

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagiging kaliwete ay namamana.

Ayon pa sa ibang pananaliksik, halos 40% ng may psychosis ay mga left-handed; samantalang halos 10% lang ang populasyon ng mga kaliwete sa buong mundo.

Sinasabing mahusay ang mga kaliwete sa pisikal na gawain katulad na lamang ng ating Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao na kaya niyang sabay na gamitin ang kamay at paa kahit magkaibang direksiyon kumapara sa mga right-handed.

Mahusay din raw sa pag-aanalisa ang mga left-handed dahil mas flexible umano ang paggana ng mental at memory power sa kanilang utak.

Hindi madali ang pagiging kaliwete kumpara sa nakasanayan ng karamihan sa atin na paggamit ng kanang kamay sa lahat ng pang araw-araw na gawain.

YOU MIGHT ALSO LIKE