!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga benepisyo ng pag-inom ng wine, alamin!
By Mary Rose Rocero - September 9, 2019 , 2:00 pm

Naglalaman ng mula lima hanggang 15% ng alcohol o alak ang wine na gawa mula sa mga ubas.

Ayon sa pag-aaral, hindi lamang ito naglalaman ng alcohol dahil mabuti rin ito sa kalusugan.

Ika nga ng ilan, ang wine ay “good for the mind, soul and body.”

Nakakatulong ito sa pag-iwas sa iba’t ibang uri ng karamdaman na napatunayan na ng karamihan.

Ilan sa mga ito ay nakakapagpabawas ng timbang, maiiwasan ang pagkalimot, pang-patibay ng immune system at nakakapagpatibay din ng mga buto.

Sa kasalukuyang pag-aaral ng mga doctor, ang pag-inom ng ilang baso ng wine sa loob ng isang lingo ay maaaring proteksyon sa mga kababaihan at kalalakihan sa high blood pressure.

Isang paalala, maging reponsable sa pag-inom ng wine.

Lahat ng bagay na sumosobra ay nakakasama sa kalusugan.

YOU MIGHT ALSO LIKE