Pinoy pandesal, matitikman na rin sa USA
By Mary Rose Rocero - August 14, 2019 , 10:30 am

Isang Pinoy bakery ang sikat ngayon sa Portland, Oregon, USA kung saan ibinebenta rito ang mga paboritong tinapay ng mga Pilipino.

Bestseller dito ang paborito nating pandesal. Simple man ang lasa, pang-international naman ang kalidad.

Bukod sa pandesal na masarap ipares sa mainit na kape o chokolate, mayroon ding ensaymada, suman, empanada, pastillas, toasted siopao at hopia.

Hindi rin mawawala ang pagkain na pampahaba ng buhay para sa Pilipino, ang pansit.

Makakakain din dito ng chicken adobo, bangsilog (bangus with fried rice and egg), tapsilog (beef tapa with fried rice and egg), longsilog (longganisa with fried rice and egg) at ang tocilog (tocino with fried rice and egg).

Ito ang kauna-unahang bakery na tatak Pinoy sa Portland.

YOU MIGHT ALSO LIKE