!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Portable bidet, patok ngayon sa ibang bansa
By Mary Rose Rocero - September 6, 2019 , 11:00 am

Sikat na sikat ngayon nang ilabas sa California ang bagong imbensyon sa portable bidet na maaaring gamitin kahit saan.

Hindi na kailangan pang maghanap ng banyo kung ito ay emergency dahil icharge mo lang ito at irefill ng tubig at saka mo na itong magagamit.

Tinawag ito bilang Sonny.

Layon nito na mabawasan ang labis na pagkonsumo ng toilet paper na umabot sa halos 36 million rolyo kada taon.

Ito ay easy access at easy to bring feature ng tinaguriang “world’s first personal bidet!

Kailangan mo lang itong i-charge sa loob ng isang oras, refilan ng tubig, at pwede nang ipanghugas.

Maaari mo itong magamit sa loob ng tatlong linggo ng dalawang beses sa isang araw.

Available din ito sa iba’t ibang disenyo at maari kang pumili sa Soft Silver at Dusted Champagne design sa halagang $89 o katumbas ng mahigit apat na libong piso.

Hindi pa naman ito available for shipment hanggang December 2019.

YOU MIGHT ALSO LIKE