!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sushi-Burrito, bagong tinatangkilikan sa Japan
By Mary Rose Rocero - September 11, 2019 , 1:31 am

Mahilig ang mga Pinoy sa pagkain, lalo na ang tinapay.

Hindi naman kumpleto ang hapag-kainan kung walang kanin.

Bukod sa teknolohiya, hindi rin magpapahuli ang Japan.

Naglunsad ang isang sushi restaurant na “Sushirrito” ng pinaghalong Sushi Futomaki at Burrito o Sushi- Burrito.

Nakuha ang ideya na ito mula sa Mexican Burrito.

Kung ikaw ay hindi pa pamilyar, ang sushi ay gawa sa kanin na kinorteng pa-oblong at papatungan ng luto o hilaw na karne.

Ang burrito naman ay pinaghalong kanin, karne, gulay at pampalasa at saka ibabalot sa tinapay o pita.

Isa sa kanilang bestseller na sushi-burrito ay ang Omelet-filled Sushi Burrito na dinagdagan din nila ng traditional na “nori” o seaweed.

Mayroon na silang 11 flavors na maaari nang matikman tulad ng tuna, burger, fried chicken at iba pa.

YOU MIGHT ALSO LIKE