!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Tara na at i-try ang unlimited wine sa Makati!
By Mary Rose Rocero - September 9, 2019 , 1:00 pm

Kung ikaw ay heavy drinker, paniguradong walang-wala na lang sa inyo ang pag-inom ng wine.

Sabi rin ng ilan, ang wine ay tinatawag na “ladies’ drink” na kung saan ay karamihan sa mga kababaihan ay paborito at umiinom ng wine.

Paano naman kung marinig niyo na mayroon nang restaurant na nagse-serve ng unlimited wine?

Matatagpuan sa Makati ang Refinery Salcedo na kung saan ay makaka-inom ng wine ng kahit ilang baso o bote man ang gustuhin mo.

Ayon sa isang staff ng restaurant, mayroong sang customer na umabot sa 20 baso ng wine ang na-inom na katumbas na ng tatlong bote ng wine.

Mula sa halagang P550, maaari mo nang ma-experience ang kanilang unlimited wine.

Bukas ang Refinery Salceda mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng hatinggabi.

Bagay ito sa kanilang lokasyon na kung saan ay napapalibutan sila ng mga kabahayan at opisina.

Kung ayaw mo naman ng wine, maaari mo ring i-try ang kanilang unlimited beer na nagkakahalaga rin ng P550, unlimited moscato at unlimited sangria na parehong nagkakahalaga ng P690.

Araw-araw din silang may “buy-one-take-one promo” sa kanilang Belgian beer Hoegaarden na nagkakahalaga ng P299 (white) at P350 (rose).

Hindi lang yan, nagse-serve rin sila ng kape base sa kanilang gusto ng beans at ang extraction process nito.

Ipinagmamalaki rin nila ang kanilang mga pagkain tulad ng Chicken skin with mango chipotle vinegar and lime salt at Maccheroni chicken arrabiata.

YOU MIGHT ALSO LIKE