National Disaster Resilience Month, ginugunita ngayong buwan ng Hulyo
By Mary Rose Rocero - July 3, 2020 , 9:00 am

Napapalibutan ng karagatan ang bawat sulok ng Pilipinas kung kaya’t hitik ito sa iba’t ibang kayamanan.

Mayaman ang bansa sa pagkakaroon ng maraming bulkan, karagatan, parke, at higit sa lahat ang pagkukunan ng mga pangangailangan ng bawat tao.

Ngunit, kadikit din nito ang ilang panganib na kadalasag nararanasan sa mga bansang nakararanas ng iba’t ibang panahon.

Sa panahon ng tag-init, nakararanas ang bansa ng maalinsangang panahon na kung saan ay umaabot sa 40 degrees Celsius.

Sa panahon naman ng tag-ulan, umaabot sa lagpas 20 bagyo ang nakapapasok sa bansa kada taon.

Dahil na rin sa napapalibutan ang bansa ng tubig, hindi rin ito ligtas sa mga sakuna na nagmumula sa katubigan.

Kaya ngayong buwan ng Hulyo ay ginugunita ang National Disaster Resilience Month upang magpakalap ng mga impormasyon sa lahat tungkol sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna na pinapangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang NDRRMC ang siyang ahensya na nagpapatupad ng mga kaukulang hakbang sa tamang alituntunin sa panahon ng pagpasok ng ilang peligro sa bansa.

Ilan sa mga kadalasang nararanasan ng Pilipinas ay ang pagbaha, pagkidlat, pagguho ng mga lupa, paglindol, tsunami, at marami pang iba.

Sa ganitong panahon ay patuloy na pinaalalahanan ang bawat isa sa pagkakaroon ng kaalaman sa kung paano kakaharapin ang mga ganitong sitwasyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE