Buwan ng Kasaysayan 2020: “Pagkakaisaysayan sa Paglaban at Pagbangon”
By Mary Rose Rocero - August 17, 2020 , 2:37 pm

Mula sa bisa ng Proklamasyon Bilang 339 sa serye 2012, ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan tuwing buwan ng Agosto sa Pilipinas.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ito sa temang “Pagkakaisaysayan sa Paglaban at Pagbangon”, sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP.

Ayon sa NHCP, layon ng pagdiriwang na tingnan ang kasaysayan bilang paraan upang magkaisa ang ating bansa sa gitna ng mga hamon, kabilang ang pandemya ng COVID-19, habang kinikilala na ang bawat isa sa atin ay may kani-kanyang karanasan at kasaysayan.

Binibigyan natin ng pagpupugay ang mga bayaning lumaban noon upang makamit ang ating kalayaan, kasabay ng pagkilala natin sa mga bagong bayani na patuloy na nilalaan ang kanilang serbisyo at buhay para sa bayan.

YOU MIGHT ALSO LIKE