International Youth Day, ginugunita tuwing ika-12 ng Agosto
By Mary Rose Rocero - August 12, 2020 , 1:30 pm

Sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng ilang bansa dahil sa Novel Coronavirus Disease o Covid-19, hindi nagpapatinag ang bawat isa, lalo na ang mga kabataan sa pagbibigay impormasyon at tulong sa bawat isa.

Patuloy na ginugunita ng United Nation ang ‘International Youth Day’ tuwing ika-12 ng Agosto na mayroong tema na “Youth Engagement for Global Action” ngayong taon.

Layon nitong ipakita, ipagmalaki, at isabahagi sa lahat ang mga gawaing kayang ibigay ng mga kabataan tungo sa pagbabago.

Ayon kay UN Secretary General António Guterres, patuloy na tumataas ang bilang ng mga kabataang nakararanas ng matinding problema sa buhay.

Sa kabila nito, mas marami pa rin ang bilang ng mga kabataan na patuloy na lumalaban sa bawat problemang kinakaharap sa araw-araw at malugod na ibinabahagi ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa bawat isa.

YOU MIGHT ALSO LIKE