World Teacher’s Day, ginugunita tuwing ika-5 ng Oktubre
By Mary Rose Rocero - October 5, 2020 , 9:06 am

Mula sa pangunguna ng Department of Education o DepEd, ngayong araw magsisimula ang school year 2020-2021.

Sa pamamagitan ng “blended learning”, iba’t ibang pamamaraan ang inihanda ng DepEd upang patuloy na makapag-aral ang mga kabataan sa gitna ng pandemya dahil sa Covid-19.

Kasabay nito ay ginugunita ng buong mundo ang araw ng mga guro bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kasipagan at determinasyon na makapagturo sa mga kabataan.

Bukod sa pagsasagawa ng mga online class, gagamitin din ng DepEd ang linya ng komunikasyon sa pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng telebisyon at radyo.

Katuwang dito ang Philippine Broadcasting Service (PBS) sa pagbibigay serbisyo at makatulong sa pagbibigay-aral sa mga estudyante.

YOU MIGHT ALSO LIKE