Philippine Girls Team, 5th place sa World Junior Tennis Championships sa Czech Republic
By Judith Caringal - August 12, 2019 , 5:05 pm

Tumapos sa ikalimang puwesto ang Philippine girls team nina Alexandra Eala, Alexa Milliam at Jen Rose Prulla sa ginanap na World Junior Tennis Championship sa Czech Republic.

Dinaig ng koponan ang Ukraine, 3-0, at Japan, 2-1,  sa classification phase para ilista ang pinakamataas na resulta para sa isang Philippine junior team sa naturang world competition.

Bago ito ay tinalo ng Pilipinas ang Venezuela at China sa group eliminations, pero bigong makausad sa semifinals matapos yumukod sa host team Chech Republic.

(left to right: Alexandra Eala, Jen Rose Prulla, Alexa Joy Milliam, Coach Czarina Mae Arevalo)

Lubhang makasaysayan ang performance ng koponan lalo’t bagito pa sina Milliam at ang reserve na si Prulla  sa mga malakihang torneyo.   Tanging ang 14-anyos na si Eala, na isang scholar sa Rafa Nadal Academy,  ang may malawak na karanasan at may mahabang listahan ng mga  titulo.

Tumayo bilang coach si Czarina Mae Arevalo.

Naghari naman sa kompetisyon ang Czech Republic, kasunod ang USA, Canada at Switzerland.

YOU MIGHT ALSO LIKE
PSC, POC & PHISGOC sign tripartite agreement for SEAG
August 14, 2019