!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Vigan City, muling kinilala bilang isa sa “most picturesque” sa Asya
By Mary Rose Rocero - September 12, 2019 , 1:09 pm

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng makulay na kasaysayan, hindi lamang dito, maging sa ibang bansa.

Mapahanggang sa ngayon ay pinapangalagaan pa rin natin ang mga naiwan ng ating mga ninuno noong unang panahon na kung saan ay ipinapasa na ito sa kasalukuyang henerasyon.

Isa na riyan ang Vigan na na-itatag noong 1572 ng mga Kastila na kinikilala na rin ngayon bilang isa sa pinakalumang lungsod sa Pilipinas.

Hindi rin matatawaran ang ganda nito maging sa buong mundo nang itampok at mapasama ito sa “World’s Heritage Site” ng UNESCO at napabilang din sa “New 7 Wonders Cities of the World” noong 2014.

At ngayong taon, napabilang ito sa “13 Most Picturesque Towns in Asia” ng CNN.

Narito ang buong listahan:

1. Hoi An, Vietnam
2. Yufuin, Japan
3. George Town, Malaysia
4. Luang Prabang, Laos
5. Kampot, Cambodia
6. Phuket Town, Thailand
7. Sai Kung, Hong Kong
8. Zhouzhuang, China
9. Kota Gede, Indonesia
10. Galle, Sri Lanka
11. Mawlynnong, India
12. Ghandruk, Nepal
13. Vigan, Philippines

YOU MIGHT ALSO LIKE