37 atleta, dinala sa infirmary sa kasagsagan ng Opening Ceremony ng Palarong Pambansa 2019
April 29, 2019

Kinumpirma ni Jenielito “Dodong” Atillo, tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) Davao Region na kabuuang 37 na mga atleta ang isinugod sa Infirmary Room sa Davao City University of the Philippines Sports Complex sa kasagsagan ng pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019.

Nilinaw naman ni Atillo na hindi malubha ang karamdaman ng mga ito at maaari pa ring makapaglaro.

Karamihan sa mga ito ay nakaramdam ng pagkahilo dahil sa init ng panahon.

Siniguro naman ng opisyal na handa ang mga personahe ng City Health Office at Department of Health (DOH)  na agad na tugunan ang mga medical concerns ng mga delegado.  | ulat ni Sheila Lisondra/RadyoPilipinas-Davao