5 silver at 2 bronze medal nasungkit ng Pinas Sa Southeast Asian Fencing Championships
October 04, 2018

Lima na silver at dalawang bronze medal ang napanalunan ng Pilipinas sa Southeast Asian Fencing Championships na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinamunuan ni Noelito Jose ang mga medalista matapos na makasungkit siya ng dalawang silver medal sa Individual at Team Epee.

Dalawa ring silver medal ang nakamit ni Women’s Saber Bet, Allaine Nicole Cortey sa Individual at Team Epee.

Hindi rin nagpahuli si Jolo Viceo sa kanyang place finish sa Men’s Individual Men’s Foil, samantalang, bronze medal ang napagwagian ni Patricia Sarmiento at ng Philippine Women’s Epee Team.

Ang paglahok ng Pilipinas sa torneo ay bahagi ng preparasyon para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa Maynila.| ulat ni Judith Caringal