Angara: Dapat may maparusahan sa naganap na gulo sa pagitan ng Australia Boomers at Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian qualifier event
July 03, 2018

Ipinahayag ni Senador Sonny Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na makatarungan lamang na may maparusahan sa nangyaring gulo sa pagitan ng Australia Boomers at ng Gilas Pilipinas kagabi.

Para kay Angara, ang di kanais-nais na salpukan sa pagitan ng Australia Boomers at ng Gilas Pilipinas sa ginanap na FIBA World Cup Asia qualifier kagabi ay di sana nangyari kung naging mahigpit lang ang mga referee sa pagkontrol ng laro.

Gayunpaman, giit ni Angara na dapat ay may maparusahan at bilang mga tunay na mga manlalaro dapat may mga paghingi na ngayon ng pagpapaumanhin, at sa mga fans na nakisali sa salpukan ay dapat ding maparusahan, at higit sa lahat hindi na dapat na maulit ang ganitong pangyayari sa hinaharap.

Punto ng Sendaor, na mahalagang bigyan natin ng kasiguruhan ang buong mundo na ang naturang insidente ay isolated case lamang at ang mga Pilipino ay nananatili bilang isang kilalang hospitable na lahi, sa loob at labas ng basketball court. | ulat ni Jojo Ismael

Photo courtesy: Keclips.com