Davao City binigyan ng gradong 8.5 sa hosting ng Palarong Pambansa
May 02, 2019

Binigyan ng gradong 8.5 ang Davao City sa hosting nito sa Palarong Pambansa 2019.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas 1 Davao kay Department of Education undersecretary Revsee Escobedo sinabi nito  wala pa silang natatanggap na mga reklamo ukol sa mga pasilidad, billeting quarters at iba pa.

Ayon kay Escobedo sa ngayon, ang Davao City ang  may magandang sistema kumpara sa mga nakaraang Palaro.

Sabi pa ng naturang opisyal na kahit hindi pa tapos ang ibang mga  pasilidad pero maganda pa rin diumano ito dahil nagustuhan ng mga batang atleta ang paglalaro nito.

Dagdag ni Escobedo na nakita nila ang kanilang pagpupursige ng City Government na pagandahin ang mga paaralang ginawang billeting quarters para maging komportable ang pahinga ng mga atleta.  | ulat ni Armando Fenequito