Gilas kontra Aussies
July 02, 2018

Muling maghaharap ang Gilas Pilipinas at Australia sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers -3rd Window ngayong alas-7:00 ng gabi sa Philippine Arena sa Bocaue.

Matapos manaig ang Gilas kontra Chinese Taipei at maisahan ang Boomers ng Japan noong Biyernes, naging tabla ang win loss slate ng Pilipinas at Australia na parehong nasa 4-1 win loss slate.

Tatangkain nina Jayson Castro-William, Andray Blatche, Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz, Baser Amer, Calvin Abueva, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Matthew Wright, Terrence Romeo at June Mar Fajardo na ma-upset ang mga Aussie na pangungunahan ng Milwaukee Bucks standouts na sina Matthew Dellavedova at Thon Maker.

Matatandaang yumuko ang Gilas sa Australia nang unang magharap ang dalawang koponan noong Pebrero, sa Margaret Court Arena, Melbourne.  | ulat ni Aaron Joel Bayato

 

Photo Courtesy: https://bit.ly/2lPazYe