Hosting ng Occ. Mindoro ng 2020 Palarong Pambansa, pinuri
May 06, 2019

Pinuri ngayon ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato ang formal turnover ng hosting ng 2020 Palarong Pambansa sa Occidental Mindoro sa 2020.

Kasabay nito, nanawagan si Sato sa kapwa Mindorenos na magtrabaho nang husto para sa Occidental Mindoro sa makasaysayang hosting ng sporting event.

Sinabi ni Sato na sama-samang ipamalas ng lalawigan ang mainit na pagtanggap sa mga manlalaro, at ipakita nito ang nakabibighaning kagandahan ng lalawigan.

Ginawa ng Occidental Mindoro solon ang panawagan, kasunod ng closing ceremony ng Palarong Pambansa sa Davao, at magkaroon ng formal turn over ng banner ng Palarong Pambansa sa mga lokal na opisyales ng lalawigan.  | ulat ni Rene Tichangco