IBF Superflyweight champion, pinarangalan ng Philippine Navy 
May 29, 2019

Pinarangalan ng Philippine Navy si International Boxing Federation Superflyweight Champion Jerwin Ancajas sa isang “Welcome home ceremony” sa Marine Barracks Rudiardo Brown, Fort Bonifacio, Tagiug City kahapon.

Si Ancajas ay umuwi sa Pilipinas pagkatapos magwagi sa kanyang ika-pitong “title defense” laban kay Ryuichi Funai sa Stockton, California nitong May 5, 2019.

Ayon kay Cpt. Jerber Anthony Belonio, tagapagsalita ng Naval Reserve Command, ipinagbubuyni ng lahat ng opisyal at tauhan ng Philippine Navy ang tagumpay ni Ancajas, na isang chief Petty Officer sa Naval Reserve Force.

Bilang pagkilala sa kanyang tagumpay, isang Plaque of Recognition ang ipinagkaloob kay Ancajas ni Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Robert Empedrad, AFP at Commander ng Naval Reserve Command, Brig. Gen. Dante Hidalgo.

Nagpasalamat naman si Ancajas sa lahat ng suportang ibinigay sa kanya ng Philippine Navy, partikular sa kanyang limang linggong pagsasanay sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite bago ang laban.  | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: Philippine Navy