Layunin sa paglalaro ng basketball, hindi away kundi pagbubuklod sana ang ibinubunga ayon kay SAP Go
July 03, 2018

Pagbubuklod ang dapat sana’y maabot sa paglalaro ng basketball at hindi away o hidwaan.

Ito ang binigyang diin ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng nangyaring gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at team ng Australia sa Fiba World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Ayon kay Go na kilalang isang basketball enthusiast, kaakibat ng pagmamahal sa alinmang sports kabilang na ang basketball ay ang paggalang din naman sa kapwa manlalaro.

Ito ang sinabi ni SAP Go na dapat na maipakitang imahe, hindi lang sa hanay ng ating mga manlalaro kundi sa lahat ng mga manlalaro sa buong mundo.

Sa huli’y inihayag ng kalihim na ang Pilipino ay patuloy na lalaban na may puso at dangal hindi lang sa larangan ng sports kundi pati sa agos ng buhay. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Bong Go-ma FB page