Pangulong Duterte, kumpirmadong manonood ng laban ni Sen. Pacquiao sa Malaysia
July 10, 2018

Kumpirmadong sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang laban ni Senator Manny Pacquiao at Argentine boxer Lucas Matthysse sa Malaysia sa darating na Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,  ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa isang pangulo ng bansa na personal na manonood sa laban ng isang Pinoy boxer.

Imbitado ayon kay Roque ni Pacquiao ang Presidente para panoorin ang kanyang boxing match.

Pagkakataon na aniya ito ng Pangulo na matunghayan ang boxing match ng “pambansang kamao” gayung wala namang masasagasaan ito na anumang aktibidad habang ito ay nasa Malaysia.

Nakatakdang makapulong ng Presidente si Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad kinabukasan kung saan pag-uusapan ng dalawa ang mga hakbang kung paano malabanan ang banta ng terorismo at ISIS sa dalawang bansa at mga katabing bansa sa South East Asia.  | ulat ni Alvin Baltazar