Para swimmer Ernie Gawilan, unang Pinoy na nakasungit ng gintong medalya sa 3rd Asian Para Games
October 08, 2018

Nakasungkit ang Pilipinas ng isang gintong, dalawang pilak at isang tansong medalya sa unang araw ng kumpetisyong sa asian para games sa jakarta, indonesia.

Napanalunan ng veteran Para swimmer na si Ernie Gawilan ang gintong medalya sa men’s 200-meter individual medley sm-7 sa oras na 2 minuto, 52.43 segundo upang talunin sina Chen Liang-da ng Chinese Taipei at Jadhav Suyash Narayan ng India na tumapos na silver at bronze medalists.

Bukod sa ginto, nakuha rin ni Gawilan ang pilak na medalya sa men’s 50-meter freestyle s-7 sa oras na 32.16 seconds.

Ang iba pang medalya ay nagmula kina powerlifter Achele Guion-silver medalist sa women’s up to 45 kilogram event at  swimmer Gary Bejino-bronze medalist  sa 100-meter backstroke S-6. | ulat ni Ann Viñas