Philippine men’s team, namayani sa World Chess Olympiad
October 05, 2018

Namayani ang 54 seed Philippine men’s team sa 78 ranked Ecuador, sa iskor na 3-1 sa penultimate 10 round ng 43 World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Nagtala ng mga panalo sina International Masters Jan Emmanuel Garcia at Haridas Pascua kina FIDE Master Kevin Noboa at International Master Miguel Muñoz Sanchez sa boards three at four.

Nagtapos naman sa tabla ang laban ni Grandmaster Julio Catalino Sadorra kay Grandmaster Carlos Matamoros Franco sa board one, gayundin ang laban nina Grandmaster John Paul Gomez at International Cristhian Barros Rivadeneira sa board two.

Dahil sa panalo, umangat ang GM Eugene Torre mentored squad sa pang-labing-siyam na puwesto na may 14 na puntos. | ulat ni Ann Viñas