Pres. Duterte, pinaalalahanan ang mga atleta ng Palarong Pambansa 2019 na ‘wag gumamit ng iligal na droga 
April 28, 2019

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga batang atleta na kalahok ng Palarong Pambansa 2019 na umiwas sa iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa opisyal na pagbubukas ng palaro, sinabi ng Pangulo sa mga batang dumalo na nakakasira at pinapaliit ng droga, ang utak ng sinumang gumagamit nito.

Ayon pa dito na mas maigi na mas pagbutihin pa nito ang kanilang mga skills sa larangan ng sports.

Sinabi nito na mas epektibo ang sports bilang paraan para mahulma ang kabataan bilang isang mabuting mamayan dahil sa disiplina at perseverance na kanilang natututunan.

Mismong ang Pangulo na rin ang nagbukas ng taunang grass sports event sa loob ng Davao City – University of the Philippines Sports Complex.  | ulat ni Armando Fenequito/RadyoPilipinas-Davao