SAP Bong Go, umiskor ng halos singkwenta puntos sa laro ng Malacañang kontra AFP kagabi sa Executive face-off basketball league ng UNTV
June 25, 2018

Kumamada ng apatnapu’t pitong puntos si Special Assistant to the President Bong Go na nagdala sa kopononan ng Malacañang basketball team sa pagkapanalo at pataubin ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kagabi.

Si SAP Go na kilalang strict shooter ay nagpakawala ng pitong three points, limang rebounds at isang steal.

Hindi naging sapat ang depensa ng AFP Cavaliers sa mainit na kamay ni SAP Go upang pigilan ang kaliwa’t kanang outside shooting nito na nagbigay ng panalo sa Malacañang-PSC Kamao.

Ilang ulit ding dinoblehan ng bantay si Go pero hindi nagpaawat sa sunud- sunod na pagpukol ng tres at nakapagtala ng halos singkwenta puntos sa pagtatapos ng laro.

Nagtapos ang laro sa iskor na 87 -69 para sa ikatlong laro ng Malacañang- AFP Executive face-off ng UNTV Cup kung saan itinanghal na best player of the game si SAP Go. | ulat ni Alvin Baltazar