Sen. Pacquiao, puspusan na ang paghahanda para sa nakatakdang laban kay Keith Thurman
June 08, 2019

Puspusan na ang paghahanda ni Senador Manny Pacquiao para sa laban niya kay Keith Thurman sa susunod na buwan.

Ngayong linggo, sinimulan na ng Pambansang Kamao ang kanyang sparring session sa 24-anyos na Australian fighter na si Tim Tszyu.

Ayon kay Pacquiao, malapit ang istilo, galaw, edad at height ni Tszyu kay Thurman kaya makakatulong ang sparring session na ito sa paghahanda niya sa mga suntok ni Thurman.

Hindi naman inalintana ni Pacquiao ang trash-talking ng kampo ni Thurman.

Sa halip ay ginagawang motibasyon ni Pacquiao ang patunayan sa buong mundo na kayang-kaya pa rin niyang lumaban sa edad niyang 40 years old.

Nilinaw rin ng boxing senator na hindi nagiging hadlang ang boxing sa trabaho niya bilang senador.

Katunayan, plano ng Pambansang Kamao na lumipad kaagad pagkatapos ng laban niya sa Los Angeles sa July 20 para makaabot sa pagbubukas ng sesyon at State of the Nation Address o SONA sa July 22.

Ngayong June 15 na lilipad patungong LA si Pacquiao para sa training sa laban.  | ulat ni Nimfa Asuncion