Yuka Saso, nagpakitang gilas sa unang round ng  Women’s Golf  sa 3rd Youth Olympic Games
October 10, 2018

Nagpakitang gilas si Yuka Saso sa unang round ng  Women’s Golf  sa 3rd Youth Olympic Games, na ginanap sa Buenos Aires, Argentina.

Pumalo ang labing pitong taong gulang na Asian Games champion ng  71,  para makisosyo sa  ikalawang pwesto,  tatlong stroke sa hulihan ng lider na taga Italy.

Hindi rin nagpahuli kay Saso  ang isa pang Pinoy bet sa men’s golf, na si Carl Jano Corpuz, na naka-iskor rin ng 71 para  makisalo sa ikalimang spot, dalawang palo sa likuran ng apat na mga lider.

Dalawang  round pa ang natitira sa kumpetisyon, kung saan kailangan na mas maging steady pa ang laro ng dalawang Pilipino para makamit ang medalya sa youth olympics.

Tanging  si Archer Gabriel Moreno ang nakapag-uwi ng medalyang gold  sa mixed team kasama ang isang Chinese, noong  2nd Youth Olympics. | ulat ni Judith Caringal – Radyo Pilipinas 2